Sabado, Setyembre 18, 2004

Sitsiritsit...

Alas dyes ng gabi sa Cubao, ayoko pang umuwi. Walang direksyong naglalakad sa Aurora, napadaan sa 711, bili muna ng yosi. Hakbang palabas. Yosibreak. Lakad pa. Lingon sa kaliwa, sa kalyeng may kumukutitap: Bangbangali. O yeah baby, lakad, pa-inspect sa guard sa may entrada. Binuksan niya ang bag ko at inusisa ang laman. Cellphone, ok. Notebook, ok. MSI mp3 player/flashdrive. Lintek! Limang minuto yata niyang tinitigan. Kinapa ang headphones, tintrace hanggang sa mismong aparato at tinitigan lang niya. Ewan ko kung ano ang akala niya doon. Hinayaan ko lang siya. Ganoon talaga, mahigpit ang security nila eh. Syempre, proteksyon sa negosyo nila...

Heniwey, akyat ako sa labinlimang bahagdan tapos pintong salamin. Pagbukas ko, dinilaan ako ng malakas na tugtog. Kinikindatan ako ng patay-sinding mga ilaw. Napansin siguro ng waitress na 20 seconds na akong nakatunganga kaya siya na ang pumili ng mesa para sa akin. Ang ibinigay niya ay yung mismong gilid ng show area. Ang show area ay 3 x 8 meters siguro, may pole sa gitna at dalawang umiilaw na platform sa magkabilang dulo.

Order ako, 2bottles agad ng SanMig Light and ibinigay. Hindi pwedeng isa lang ang orderin sa ganitong lugar. Kailangan 2 agad. Pagdating ng dalawang bote, baso, at yelo, salin agad at tungga. Laklak muna. Ang sarap talaga ng beer....

Nangangalahati pa lang ang bote nang may tumabi sa aking isang GRO. Arodyosko pre, kamukha nya si Love Anover at pasensya na at hindi ko siya trip. Inom lang ang habol ko, thank you. Kinukulit niya ako. Hihiritan ka na nakikipagkilala lang. Nakaka-aliw ang spiels nila, hahanapin kung saan ang weak spot mo. Tatanungin kung first time mo dito, bakit ka nandito, siguro may problema ka, may girlfriend ka na ba? asawa? Parang galing ka sa iyak... wag kang mag-alala hindi naman kita aagawin sa asawa mo! Dito napangiti lang ako. Kapal mo din day.... Nang wala siyang nakukuha sa pa-pormal-pormal, dineretsa na niya. Doon daw kami sa madilim para hindi kita. Bakit anong gagawin mo? Chuchupain kita. Hahahahahha gusto kong matawa. Mabait pa ako kaya sabi ko, pasensya na, gusto ko lang talaga uminom. Huling hirit si unang hirit girl, pahingi na lang ng bente, pambili ng softdrinks. Dahil trip kita, inalis ko na yung zero sa 200, bente na lang! Hahahahaha! 20 pesos na blowjob! sorry ayoko talaga. Makulit na siya, kaya sinimangutan ko na. Wala kang makukuha sa akin. Tumayo din sa wakas....

Ok tuloy ang inom. Ubos na ang 2 bote. Order pa ng isa. Tayo at CR muna... Nagsho-show na noon. Tig-dalawang kantang sasayawan ang mga babae. Mabilis muna ang tempo sa una, naka-sexy outfit lang tapos mamamatay ang ilaw, papalit ang mabagal na kanta tulad ng Bed of Roses tapos lalabas ulit ang babae na walang panty at bra, nakasuot lang ng blusang manipis.... akrobatik ang mga loka...nakakatawa...noong unang nakapasok ako dito, naawa ako sa kanila.. pero makikita mo na hindi rin naman sila kawawa lang. They wield uncanny powers over us sad fucks who patronize this place... Hindi ko na babanggitin yung ginawa ng huling show, pero hanga ako sa kanya. Seryoso siya sa ginagawa niya. In fairness, magaling siya. May professionalism din dito kala nyo.... Grabe lang at kaya niya yung ginawa niya sa yosi...........

Anyway ulit, medyo lasing na ako noon. Walang magaganda dito, di tulad doon sa napuntahan ko dati sa Pasay... Kaya lumipat ako sa katabi. Ganon din ang nangyari sa guard na nag-inspek sa akin. Hindi rin niya mawari ang mp3 player ko. o basta. pagkapasok ko, walang laman ang loob, di tulad sa Bangbangali na puno ng mga DOM at construction boys. Dito may isang lasing na nagsa-soundtrip sa tapat ng isang malaking speaker at may dalawang mama sa isang table na kinukulit ng isang GRO. Pag-upo ko, napansin ko na mas marami palang tao doon sa mas madilim na lugar. Alam na kung anong ginagawa nila doon.... As usual, may tumabi na naman sa akin pero hindi ko pinansin. sorry ha, gusto ko lang uminom. standard spiel... inom, inom, inom... tapos wala nang ibang gagawin.

uwi na.

2 komento:

hapag ayon kay ...

eh bakit naman pupunta ka dun kung inum lang hanap mo to think alam mo naman kung ano nangyayare sa mga ganun lugar. Nway, kaaliw mga kwento mo.

yosibreak ayon kay ...

Hi hapag. Salamat sa pagbisita. Ang tagal na nito, binasa ko nga at natawa ako, halos di ko na naaalala. Pumunta ako doon dahil gusto kong uminom _at_ gusto ko rin manood ng show. It's da inom with the view. Sana hindi kita na-offend. ^^