Biyernes, Oktubre 01, 2004

geek mode


image from iatservices.missouri.edu

[begin geek mode]
Nasira ang windows ng isa sa mga computer sa shop. Di sinasadya, may kung anong naalis si kuya sa installation. Hindi na maibalik ang video driver kahit tama ang installer ko. Tapos may kung ano-anong errors pag nagpapatakbo ng apps. Pinipilit daw nya kasing mag-recover ng disk space at lahat ng may nakalagay na "used rarely" sa program list ay inalis nya. Ayun, naalis ang kung anoman. Tapos nung tinitingnan ko, may isang makulit na spyware na ayaw maalis kahit na anong edit ko sa registry mismo. Lintek na spyware.

Sige na nga. Noong una kasi ay secret partition lang ang windows na yon, 5 gigs nga lang ang ang nai-allocate ko eh. Inisip ko na tama na ang 5 GB para sa aking games. hehe. Oo, hindi ko natiis ang katigangan ng linux sa games kaya pa-sikreto akong nag-dual boot ng windows 2000 at Debian linux sa isa sa mga stations. Pagkalaon, dahil sa hindi talaga mapigil ang mga taong maghanap ng windows, ibinigay ko na rin. Saksak nila sa baga nila ang windows. hehe.

Ayan tuloy, natadtad ng spyware kahit na updated ang Ad-aware na pinatatakbo ni kuya gabi-gabi. Well, weakness na ng OS yan, wala na tayong magagawa. Buti pa ang ibang stations na pure linux, ang tibay! :p

Kaya heto ako at katatapos lang mag-reformat at mag-reinstall. Walang kamatayang pag-iinstall. Trip lang, ang inilagay ko ay windows 98. Gusto kong i-reaffirm sa sarili ko na ang windows 98 pa rin ang pinakamagandang OS ng Microsoft. Nanibago ako kasi pagkatapos ng debug, fdisk, at format, lumingon lang ako sa TV sandali, tapos na ang win98 installation. Mantakin mo nga naman ne? Aliw.

Pero medyo nagpakipot muna sya sandali. Pagkatapos kong mag-install ng mga drivers, nagkaroon ng startup errors. Sabi ko, mukhang mapapahiya ako ah. Pero konting istrok lang, reinstall ng network components, keri na ulit. Mula debug hanggang updates, lagpas lang nang kaunti sa isang oras ang naubos. Kung XP yon, aabutin siguro ng dalawa't kalahating oras tops. At ang bilis talaga ng demonyong windows 98! Ayos, solb ang aking geek indulgence for the day. :)
[/end geek mode]

Walang komento: