Linggo, Nobyembre 14, 2004

wuds sa 70's

Nagpunta kami ni BM sa 70's Bistro noong byernes para manood ng Pan/Yano/Dong Abay. Nabanggit na nya sa akin na kasama nga daw na tutugtog ang The Wuds, pero bago kami dumating sa lugar, di ko maalala kung sino ang bandang yon, di ako makaisip ng isang kanta na pinasikat nila. Pero alam kong bigtime sila, parang The Jerks na di masyadong kilala ng karamihan pero muhon ng bandang pilipino.

Dito lang siguro nangyayari sa atin na ang mas prominenteng banda ang nagpo-front act para sa mas bata pero mas sikat na banda. Gaya ng ipinagpuputok ng butsi ni Mayo noong launching ng Cutterpillow, The Jerks ang front act ng Eheads. Wala daw galang. Nitong byernes din, naunang tumugtog ang The Wuds, para daw di mag-alisan agad ang mga tao.

Unti unti nang bumabalik sa akin ang alaala ko ng bandang ito nang magsimula silang kumanta. Inosente Lang ang Nagtataka. Nakalimutan ang Diyos. Bayan... At dahil live at seryoso kong pinakinggan, di ko napigil na dumaloy mula sa kanila patungo sa akin ang kapangyarihan ng mga banat nila. Hanep. Lalo na nung kinanta niya ang Maynila (?), sa hiyaw ni bobby balingit, "natatandaan mo PA BA? ang mga BULAKLAK?..."

Hindi ko napansin ang oras, kinailangan na nilang tumigil para sa Pan/Yano/Dong Abay. Hindi ko mabasa ang mukha ni bobby balingit sa huli niyang sinabi:

"Salamat sa mga dumating. Salamat sa mga buhay pa. Kami naman, nagmamadaling mamatay."

Mula noon, kahit pa alam ko at naiintindihan ang sariling kalbaryo ni Dong Abay bilang musikero, isang mayabang na pa-rockstar na lang ang dating niya sa akin hanggang sa matapos ang set nila.



yan si bobby balingit noong gabing iyon din. (kasama niya si Tado, wag na lang pansinin. nairita lang ako sa kanya nang magsasayaw sila sa harap. sorry pero sinisira niya ang the wuds experience ko.) kinuha ko ang litrato mula sa official website ng the wuds.

3 komento:

qroon ayon kay ...

Naalala ko dati na tumanggi ang The Dawn na gawing front act ang The Jerks..... yun ang may respeto :)

red_door8 ayon kay ...

astig!!! si tado.. hehehe.. may picture din kami dati kasama si tado :)
tagal ko na rin palang di nagpupunta ng 70s bistro
puro sa freedom bar or bigskymind ang punta ko. hehe

rain ayon kay ...

grabe, i went to freedom bar last april 1 and saw bobby balingit perform together with the ka bel supporters. Astig talaga!