Lunes, Hunyo 06, 2005

nakakatakot mag-isa. dahil napipilitan kang pansinin ang sarili. at pag pinansin mo ang sarili, kadalasan, hindi mo magugustuhan ang makikita mo.

pero ito talaga ang gusto kong mangyari. ang may isang gagong paslit na magsabi sa akin na wala pala akong saplot. at sinabi nga ng kolokoy. pahiyang pahiya. kasi di lang walang saplot, nalaman ko din na pitong taon na pala akong di nagbabanlaw. puro sabon.

ang hirap tuloy eskobahin ng balat kong singkapal ng sa matsora.

Walang komento: