Lunes, Hulyo 18, 2005

Sophia

Trip to Quiapo. May kanya-kanyang dahilan ang bawat dumadayo sa simbahan ng Quiapo. May panata ang karamihan, may hinihiling, may hinihinging kapatawaran. Para sa ilan, katumbas ng paglalakad nang paluhod ang anomang idinudulog.

Maulan ang umaga ngunit tila maaliwalas ang langit. Malinis ang Quiapo ngayon. Hindi pa nakalalayo ang mga Metro Aide na katatapos lang magwalis. Parang mahinay din ang daloy ng mga jeep, hindi galit sa mga busina.

Narito kami dahil sa sarili naming dahilan. Ipinaaabot sa kandila ang pamamaalam at kapatawaran.

Walang komento: