Martes, Agosto 23, 2005

job, work, career

Miss ko na mag-Linux. Naka-dual boot pa rin ako pero di ko makapag-online kasi ayaw tumakbo ng modem. Winmodem kasi ang gamit ko, alam mo na, designed para sa windows yung mga ganon. Gusto ko sanang patakbuhin yung software namin. Kahit tested and recommended lang sya para sa Windows, pwede pa rin na tumakbo sa Linux dahil java-based naman sya. Maaaring may mga problema pero sa tingin ko tatakbo.

Sayang talaga kasi akala ko maaaprubahan yung petisyon ko na payagan akong mag-dual boot ng computer ko sa opisina. Payag ang management, naharang lang dahil sa natatakot sila na baka masira ang warranty. OK lang naman, desisyon nila yun. Pero 'sus naman! Di ko naman masisira yung computer....

Naisip ko na baka pumayag sila pag humirit ako na magkakabit na lang ako ng sarili kong harddisk para di masira yung Windows installation. Pero bumebwelo pa ako. Konti pang pasikat. Hehehe.

==

May project na ibinigay sa akin sa trabaho. Pinapaasikaso sa akin yung bulletin board ng team. Hehehehe. Akala yata magaling ako sa disenyo dahil pinakitaan ko sila ng ilang mga tricks sa GIMP. Di nila alam, gumamit lang ako ng script-fu at ilang tutorials sa gimp.org!

Kaya 'yun, medyo nahihirapan akong mag-umpisa. Nape-pressure ako na pagandahin. Lagyan ko daw ng pictures. Pero syempre, gusto ko yung nakakaaliw yung content. Para naman may magbasa.

Maliban sa team at company related eklat, gusto kong maglagay ng kalokohang trivia o kaya babe of the month, with pictures. Mala-FHM? hehehehe. puro kasi kami mga barako dun, TL lang ang babae.

==

Looking good ako sa trabaho. Mabilis akong nakapag-adjust at enjoy naman sa ginagawa doon. Hindi babad sa telepono, di mabigat, di masyadong nakaka-stress. Masaya. Sa wakas. Salamat sa Dyos. Sana ma-promote agad.

Walang komento: