Mata ng Kukote
Dong Abay
may araw na palaging gabi
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
gaano man kadilim magliliwanag pa rin
nakikita ba ang bahagharing itim
ang buwan na bulag
ang basag na bituin
naririnig din sa buong papawirin
bihag ang kulog at kidlat ay alipin
may ulap na, may gubat, may dagat pa
sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
langit ay liliparin kahit ang hangin ay may patalim
punong taimtim ay lilim ng lagim
pusod ay puntod, puso ay balong malalim
pagsisid ay di pinagsisisihan
paligid ay isang panaginip lang
umaambon, umuulan, bumabagyo
sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
umiiyak ang diyos sa halakhak pagkatapos
nabasa ka kaya sa patak na bumuhos
bumaha man ang luha sa pagpalakpak ng unos
lumubog man ang lupa may ilog pa rin na naagos
malay ay malawak malaya di nakagapos
sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento