Biyernes, Oktubre 28, 2005

Samurai Seven





Nakapag-download kami ng Seven Samurai ni Akira Kurosawa. Salamat sa bittorrent. Huling pagtatangka kong panoorin 'to, matagal-tagal na rin, sobrang nabitin ako kasi VHS pa yung bala. (Ano?? di mo na alam ang VHS?? waaaa) At syempre, ang sarap-sarap na ng panonood ko, bandang huli na ng pelikula, sinusugod na sila ng mga bandido, nabawasan na sila ng isa pang samurai, malapit na ang Final Battle nang biglang...kssssssshhhht!...sira ang tape... potang vinyl...

At ayun. Kinain ko na lang ang frustration ko.

Pagkalipas ng ilang taon, ang sarap ituloy.

Sa trabaho, habang petiks pa pinanood ko ulit. Tawa ako nang tawa, takam na takam. Ang galing talaga ni Kurosawa!

Tapos ang sarap-sarap na ng panonood ko, bandang huli na ng pelikula, sinusugod na sila ng mga bandido, nabawasan na sila ng isa pang samurai, malapit na ang Final Battle nang biglang.....riiingggg!....may call ako!

buti na lang may pause. :p
==

Walang komento: