Martes, Disyembre 20, 2005

Back to my brods

Ang tagal ko na silang di nakakasama nang tulad ng dati. Yung mga huling pagkakataon na nakita ko sila, laging may sabit ako nun, magulo ang isip kaya di ko rin nae-enjoy talaga ang mga bullsession. Pero noong Sabado, nagpainom ang kumpare kong si Third para sa Brods. Yun ang masaya. Dahil mas ok na ako, mas magaan. Ang layo ng Muntinlupa mula sa Tandang Sora pero binyahe ko (ang tagal ko na palang di nagagawi sa South!!). Pagdating ko pa lang, ang ingay na namin. Niyakap pa nga ako ni Third at ni Daboy. Kakaunti ang brods, ang daming wala. Pero ang saya pa rin ng gabi. Ang lakas namin lumalklak pero di namin maubos ang beer. Dabest ang barbeque na tinimpla ni Maam Sarah. Parang bendisyon ang ambon. Sakto ang soundtrip. Dinala ko talaga ang camera ko para sa okasyon.



May kung anong bonding ang mayroon kami ng mga 'to. Kahit ilang taon nang hindi nagkikita, kabisado pa rin namin ang likaw ng bituka ng bawa't isa.

Ito'y isang bagay na di ibinibigay sa lahat ng tao. Isang bagay na maipagpapasalamat.

Walang komento: