Huwebes, Pebrero 23, 2006

Hayop na Kombo on the Run



Sa wika lang yata natin nangyayari ito. Ginagamit ang isang kadiring bagay para tumukoy sa pagkain.

"Ano'ng kinakain mo?"

"Sundot kulangot"

"Ahh....masarap yan!"
===

Isa pa 'yang "kaututang dila." Ang ibig sabihin, kausap, kakwentuhan. Pero tingnan mo at magkasama ang mga salitang "utot" at "dila."

===

Siguro dahil matindi lang talaga ang ating sense of humor.

Siguro mahilig lang tayong maghalo-halo ng mga bagay-bagay hanggang sa makakuha ng ok o interesanteng kombinasyon. Isipin mo ang sinigang. Isinasalpak lang lahat ng sangkap nang sabay-sabay tapos pakukuluan. Pero ang tsalap ng kalalabasan.

Siguro kaya rin patok sa mga fastfood ang mga combo meals.

===

Teka lang yosihan ko lang itong kaisipan na'to.

3 komento:

jho ayon kay ...

haha! pero masarap nga yang kulangot. natikman ko na siya. lilinawin ko ha. kulangot na nasa picture at hindi kulangot na nanggagaling sa ilong ko, ilong nyo, ilong nating lahat!

pechay ayon kay ...

well, panis yan sa "Dambayan ng Kagitingan"!!! ;)

Chesuki ayon kay ...

Hehe, na mention ko rin iyan sa isa kong entry. First time ko lang kasi makarining ng pagkain na ganyan ang pangalan e, pero masarap nga siya.