Martes, Marso 11, 2008

Walang Hanggang Paalam


Walang Hanggang Paalam, originally uploaded by yosibreak.

Di ba tayo’y narito
upang maging malaya
at upang palayain ang iba
ako’y walang hinihiling
Ika’y tila ganoon din
sadya’y bigyang-laya ang isa’t-isa

Ang pagibig natin ay
walang hanggang paalam
at habang magkalayo
papalapit pa rin ang puso
kahit na magkahiwalay
tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay
siya ring katapusan
may patutunguhan ba
ang ating pagsinta
sa biglang tingin
kita’y walang kinabukasan
subalit di-malupig ang pag-asa

Ang pagibig natin ay
walang hanggang paalam
at habang magkalayo
papalapit pa rin ang puso
kahit na magkahiwalay
tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo

ang pagibig natin ay
walang hanggang paalam
at habang magkalayo
papalapit pa rin ang puso
kahit na magkahiwalay
tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo
sa magkabilang dulo ng mundo

-Joey Ayala

===
Aalis ako sa Sabado. Sa unang pagkakataon, lalabas ako ng Pinas. Pero nalulungkot ako.

Walang komento: