Biyernes, Nobyembre 07, 2008

Malapit na kaming lumipat



Yan ang bahay namin. Ok ba? :D

Malapit na kaming lumipat ng bahay, konting konti na lang. Maraming mga gusot pero ganon naman talaga. Konting tiis pa.

Na-inspect na namin noong Oct 22, nagpasama kami kay Jenner at Au. Architect si Ner at mabuti na lang talaga at nagpatulong kami. Kasi kung kaming mag-asawa lang, baka sa sobrang excited namin e hindi na namin nakita yung mga kailangan pa ng retoke. Pasado naman kay Ner at Au sa pangkalahatan. May mga maliliit na detalye na madali lang ayusin. Walang kawala dun sa kumpare kong architect, kita nyo naman sa picture, medyo kinausap nya ng masinsinan yung engineer na hindi makapalag sa kanya. Hehehe.




Yan si Hannah, paikot-ikot, patingin-tingin pero wala namang napupunang hindi tama. Overwhelmed eh. Pa-cute na lang parang ganito.



Ako naman kuha lang nang kuha, yosi-yosi, tapos nung ok na sa akin, nagyaya na akong umuwi kasi wala pa kaming tulog nun. Itong kumpare ko parang ayaw pa. Hindi mapakali at tumingin pa ng isa pang round. Buti na lang din ginawa nya yun kasi may nakita syang importanteng kailangang ayusin. Yung sa bubong yun. Dalawang beses nya sa akin ipinaliwanag kung bakit mahalaga yun at nasaan yun sa bubong pero di ko talaga makuha yung eksaktong sinasabi nya. Nung tinawag nya yung engineer, isang turo lang at mga dalawang salita, nagkaintindihan na sila.

2 komento:

reyna elena ayon kay ...

nice! where's this place if i may ask?

yosibreak ayon kay ...

Salamat sa pagdaan. Sa Las Pinas po yan, your highness. :)