Linggo, Agosto 30, 2009

Nissin Di622 Test Shots



Pwedeng gawing wireless slave flash ang Nissin Di622. Pinaglalaruan ko itong feature na'to at ito ang mga nagustuhan kong shots. Anime figure lang muna, mahirap kasing maghanap ng libreng model na hindi umaangal, at may pasensya habang tinutuklas ko pa lang ang technicals. Ang balak ko talaga dito e gamitin sa portraits.

Kung itutulad sa mga branded na flash, mura na ang Nissin Di622, kalahati ng presyo ng lower-end flash ng Canon. Hindi pa ako nakakagamit ng Canon flash kaya hindi ko maikukumpara pero ok naman ang performance ng Nissin so far.


Biyernes, Hulyo 24, 2009

Dear Blog

Dear Blog,

Kumusta ka na?  Parang ang lungkot mo dito ah.  Hindi na kita nabibisita at ewan ko kung may ibang taong napapadpad dito paminsan-minsan.  Pasensya ka na, hindi naman sa kinalimutan na kita.  Marami lang iba pang bagay na pinagkakaabalahan.  Nandyan syempre ang trabaho.  At may asawa na rin ako.  Pero nandyan din ang Facebook, Tumblr, StumbleUpon, YouTube, Flickr, at nitong pinakahuli, Twitter.

Wag kang magselos ha.  Hindi ko nakakalimutan ang pinagsamahan natin.  Kailan nga tayo nagkakilala?  Noong 2003 ba?  Hindi ko na matandaan pero alam ko na sinamahan mo ako pag galit ako sa mundo.

Yan pa ang isa,  aaminin ko sayo na bad weather friend ako sayo.  Gusto lang kitang kasama pag nagugulumihanan ako.  Kasi siguro kahit anong sabihin ko, nakukuha mo.  Lahat ng kalokohan at kababawan at kabastusan, at kasalanan kaya mong tanggapin eh.  

Hayaan mo, hindi kita buburahin sa mukha ng internet.  At pangako ko sayo, papalitan ko na itong theme mo.  Kailan mo pa ba suot yan?  Ang pangit na eh.  Halatang ancient na, in cyber-time.  Pero konting hintay lang ha.  Kasi nung tiningnan ko kung may bagong templates ang Blogger, wala akong nakita eh.  E alam mo naman, hindi ako marunong magkalkal ng HTML at CSS codes.  Hayaan mo, pag napag-aralan ko, igagawa kita ng malupit na theme.

O sige hanggang dito na lang muna at may trabaho pa ako.

Hanggang sa muli!

-V

(via Gmail)

Miyerkules, Abril 08, 2009

Ang Kawawang Kawboy





Ang Kawawang Cowboy

Fred Panopio

Ako ang kawawang kowboy 
Ang bubble gum ko'y tsampoy 
Ang pananghalian ko ay laging kamoteng kahoy 
Ang ate ko at ang kuya 
Ang nanay, tatay, lola, ang buong pamilya 
Silang lahat ay hindi kowboy 
Ako'y nagiisang palaboy 
Ang aking kabayong dala may butones pa. 


(Refrain) 
Ang kawawang kowboy 
May baril walang bala 
May bulsa wala namang pera 
Ako nga ang kowboy 
Palaging nag-iisa 
Ang kabayo ay walang paa 
Ang aking brief ay butas pa. 


(Repeat I) 

(Refrain) 
Ang kawawang kowboy 
May baril walang bala 
May bulsa wala namang pera (fade)


====
Ayos na ayos talaga si Manong Fred.  Pinakapanalo ang linya ng butas na brief.  Nakaka-relate ako.

Linggo, Abril 05, 2009

ako ang kuliglig

Wala akong magawa.

==
Nabuhay ulit ang interes ko sa Starcraft. Dahil ito sa youtube. Nakakapanood ako ng mga laro ng mga progamer sa Korea. May mga English commentary kaya mas naiintindihan. Parang NBA pero videogame.

Sinubukan kong maglaro sa Battlenet. 1vs1 LT noob. Talo ako.

Kailangan kong magpraktis. Yung mga tropang kalaro ko dati, nag-move on na sa Guitar Hero, sabi nila gusto din nila maglaro pero ewan ko lang.

==
Natuto na rin akong mag-Facebook. Jologs na daw kasi ang Friendster. Mas maganda nga ang Facebook pero may bahid din ng jologs. Kung kaibigan ko kayo, i-add nyo ako. I-add nyo na rin ako sa Mafia Wars.

==

ako ang kuliglig


i.

ako
ang kuliglig

ako
ang bula

ako
ang kuliglig
ang bula

ako
ang kuliglig
ng bula
ang bula
ng kuliglig

ako
ang walang mallows na ako
ang walang kamatayang ako
ang bula ng kuliglig


ii

ako
ang kuliglig ng bula

ako
ang bula ng kuliglig


ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking kuliglig
ng bula

ako
ang bula
sa kuliglig

ako
ang kuliglig
ng bula
ako


iii

ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walanghanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
bula
ako


iv

ako
ang kuliglig
sa bula

ako
ang bula
sa kuliglig

ako
ang kuliglig

ako
ang bula

kuliglig
bula
ako

Huwebes, Enero 08, 2009

Girl's Web


Girl's Web, originally uploaded by yosibreak.

Martes, Nobyembre 11, 2008

Bayani 2010?


image via flickr.com

Iboboto ko ba si Bayani kung tatakbo sya sa 2010? Pwede.

Maraming pwedeng pag-usapan sa isyu na'to pero bibilisan ko lang kasi pauwi na ako. Nakita ko itong article na'to sa Filipino Voices tungkol kay Bayani Fernando, tapos may nagcomment nang ganito:

I’d probably vote for Bayani if he runs. Seriously. At least he has something to show for compared to the other wanna-bes like:

1. MAR…Mr. Fence-sitter forever! He has never stood up for anything. Heck, he can’t even stand up for Korina.
2. Villar…Mr. Quiet all of a sudden because he got busted by Ping
3. Noli …Er, no comment
4. Loren…Ms. Kap(b)it sa patalim…Er, no thanks…NEVER!…asa pa sya
5. Ping…Mr. Human Rights violator…sorry but I’m scared of the Police.

If you look at things objectively, hasn’t Bayani done a lot compared to the people mentioned above? Look at how Marikina has transformed into a real urban community.

He may have his quirks and all but he actually is an effective administrator. His wife Marides too.
So what’s all the fuss? We should be more scared of the likes of those listed above because they have done NOTHING. NOTHING. NOTHING.

(Jen)


Sumang-ayon ako sa kanya:

I agree with Jen. I would seriously consider Bayani. Although I do not approve of his gimmicks to promote himself, I can turn a blind eye because I understand that he needs to play politics if he wants to win. Ganon din naman ginagawa ng iba, ceteris paribus, angat si Bayani para sa akin.

Yan na yung balangkas ng posisyon ko dyan. Ikaw ano sa tingin mo?