Sabado, Oktubre 07, 2006

At kahit ang pagharap sa TV o ang pagbabati

21

Namamatay nga tayo ngayong unti-unti
Sa buhok na isa-isang pumuputi,
Ngiping isa-isang nauuka't nabubungi,
Balat na lumaylay, at litid na umuusli.
Totoong napipigil natin nag huling oras
Sa mga pagtistis, ineksyon at pildoras
Ngunit nauubos ang ating likas na lakas
Sa pagsasabog ng binhi ng ating wakas.
Huwag nang isipin ang bomba at polusyon
Ni ang sigarilyo at ibang delikadong dibersiyon;
Isipin lang ang kanser pati sa tubig at sabon
O ang abuso sa puso nati't utak maghapon
At kahit ang pagharap sa TV o ang pagbabati
Ay unti-unti ring pagpatay sa ating sarili.

-Rio Alma

Walang komento: