Martes, Agosto 31, 2004

Black

Black na ang mga daliri ko sa kakatipa nitong kanta ng Pearl Jam.

Pero masarap naman kasi maganda, at nakakatuwa pag nakukuha mo. Sa tagal ko nang hindi humahawak ng gitara, nanigas na ang mga daliri, paos na ang mga chords. Ayos din. Di naman performance level, ane?

Pumunta ako sa SM kanina para magbayad ng bills at napadaan ako sa music store. Naisipan kong bilhan ng bagong kwerdas yung gitarang ibinigay sa akin ng isang magaling na musikero. (Nakakahiya nga at magaling na musikero ang may hawak nito dati! hehehe). Pero senyales na yata ng mga mangyayari pa dahil hindi ko na-check kung kumpleto ang 6-strings set na binili ko. Pagdating ko sa bahay para ikabit, kulang ng isa. Alam na. Pihadong kulang-kulang na rin talaga ang tugtugan natin nito.

Di bale na! Enjoy naman! Hehehe!

Balikan ko yung trip to SM ko na yan. Kanina na lang ulit ako nakapag-mall mag-isa. Sa unang bagsak, parang malungkot. Lonely boy ang dating. Pero sa totoo lang, enjoy naman din talaga ako sa pag-iisa. Malayang lumilipad ang isip mo habang naglalakad. Hindi na kailangan tumigil para tingnan ang isang bestida o kung anomang kakikayan ng kasama mo. Hindi na rin kailangan makinig sa nangyayari sa paligid. Salpak ang headphones sa tenga, rak-rakan ang background. astig di ba. ayzden. Kapag marunong kang mag-aliw ng sarili, makikita mo ang kintab ng sarili mong kaluluwa.

Naks!

ayt.

Walang komento: