Linggo, Setyembre 05, 2004

Kahapon 2

isa't kalahati akong tanga
kung sa huli kong hininga
ay hindi ko makikita
ang susi sa aking kaluluwa
ang pangalan ay Katrina.

ngunit isa akong hunghang
at kalahating nilalang
sarili'y di malilinlang
na ang sarili ay kulang.

darating ang araw na ako ay magigising
sa oras na iyon, ikaw kaya ay kapiling?
di ko ikakaila ang aking pagkalito
pero di babalik: konting ikaw, konting ako.

Walang komento: