Miyerkules, Setyembre 22, 2004

Cowboy Bebop



naaaliw ako sa tagalized animation na'to ng GMA. maganda ang style, crisp ang presentation. maikling kwento ang siste ng anime, natatapos ang 'session' kada episode, di tulad ng Hunter X Hunter o Dragonball Z na serye ang kwento.

Di tulad ng obserbasyon ni Reno, sa tingin ko'y di nasisira ang anime dahil sa isinasalin sa Tagalog. Umuunlad pa nga ang obra dahil nagkakaroon siya ng bagong dimensyon. kung nanonood kayo ng Bebop, alam ninyong hindi direktang salin ang ginagawa ng GMA. iniaangkop nila ang wikang ginagamit sa kontekstong pinoy.

naiisip ko tuloy, gusto kong magtrabaho sa GMA, tagasalin ng mga anime. astig siguro yun.

Walang komento: