Sabado, Setyembre 25, 2004

Maglaba ng brief



Pagkatapos kong maglaba ng brief, sinubukan kong i-search ang string na "maglaba ng brief" sa google. Walang nakita. Kaya heto ako at nag-blog agad. Siguradong mayroon na akong kontribusyon sa World Wide Web. Yeah! Hintayin na ma-index ng google ang webpage na'to at subukan ulit ang search string. Siguradong una tayo sa listahan. Bwehehehe!

Anyway. Ang hirap pala talagang maglaba. Dalawampu't isang piraso ng salungganisa (brief) lang ang nilabhan ko e nagkapaltos na agad ako. Makapal na ang palad ko nyan. I-appreciate natin ang ating mga nanay, gelpren (kapal ne?), at mga labandera para sa gawaing ito. Nakakapagsuot tayo ng brief dahil sa kanila.

brief moral lessons:

1. Labhan agad ang ibinabad na briefs. 'Pag tumagal ito ng ilang araw, babantot.
2. Pag pinabayaan mo at bumantot, wag kang aangal. Brief mo yan.
3. Pag pinabayaan mo at bumantot at umangal ka, sige na't kusutin mo na. Dami pang sinasabi eh.
4. Sabunin at kusuting mabuti ang brief, lalo na kung saan nakatapat ang alam mo na. Maawa ka.
5. Pag mahapdi na ang kamay sa kakakusot, tuloy lang. Sabi nang brief mo naman yan eh.
6. Kung ayaw mo nang gawin ito sa susunod, wag ka na lang magsuot ng brief para wala kang lalabhan. Simple lang ang buhay. Sige, isampay na yan at nang makapagyosi na.

2 komento:

Julian Alejandro ayon kay ...

hehe oo nga. nasa top ka na ng google para sa phrase na 'yan. :D

--julian of piercing pens

yosibreak ayon kay ...

hehe! oo nga! aliw...