Linggo, Setyembre 19, 2004

JUSTICE FOR NIÑO!!!

Kinilabutan na naman ako nang makita ko ang site na ito. Upperclassman ko si Niño noong high school. Pagtapak ng batch namin sa UP, nandoon din siya, nakikipag-inuman, nagbibigay ng mga tips kung paano mag-survive sa peyups. 'Pag wala siyang ibang mapuntahan, nakikitulog siya sa boarding house namin. Tapos nagkaroon na kami ng sariling mundo sa UP, hindi na namin siya madalas makasama. At isang hapon, nagkagulo sa may AS Walk. Frat violence daw. Pauwi na ako noon, hindi ko na pinansin. Kinabukasan, nabalitaan ko na lang, patay na daw si Niño. Siya ang nabaril doon sa AS Walk ng mga walang kwentang fratmen...

Basahin sa site ang huling tula na ginawa ni Niño. Nakakapangilabot. Parang alam nya ang mangyayari.

Sumalangit nawa.

Walang komento: