Linggo, Setyembre 19, 2004

Wala pala sa site ang mismong text, nasa flash animation lang. Hindi ko rin mahanap sa web kaya isinalin ko na lang dito mula sa animation. Nasa isang kalipunan ng tula ito, ngunit hindi ko mahanap sa mga libro dito. Paumanhin kung mali ang porma ng tula sa pahinang ito. Ito ang huli at pinakamagandang tula na naisulat ni Onin...


Paglimot
ni NiƱo Calinao

Pumanaw na kagabi
ang aking pagkabalisa
At magdamag na ibinurol
ang aking ilusyon.

Kanina, tinungo ko ang naglamay
na lapis at mesa,
Kabang sumusulat ay ikukumpas
ng aking panghihinayang
ang kundiman ng aking kalungkutan
at mga titik ng ponebre
ang aking nabuo.

Ayoko na sanang ituloy
ang pagkatha
Pagkat lapidang marmol
ang papel na ito.
Kay hirap iukit
ng mga salita.

Sa puntong ito
ay nasa huling hantungan na
ang aking mga pangarap
at sa huling tuldok ko itatarak
ang krus ng aking paghihirap.

Walang komento: