Miyerkules, Oktubre 06, 2004

Emoticons

isang bahagi lamang ng kabuuan ng wika ang mismong salita. nagbabago ang kahulugan nito depende sa ekspresyon ng mukha at iba pang pisikal na kaakibat. at para sa mundo ng SMS messaging (text), email, at iba pang elektronikong komunikasyon, malaking bagay ang emoticon (pinagsamang 'emote' at 'icon') para kahit papaano'y magkaroon ng pisikal na dimensyon ang simpleng text. at siguro, nasa kalikasan na ng tao na bigyan ng emosyon ang anumang produkto niya. iba pa rin ang tao. malayo pa ang proverbial na paghahari ng makina na ipinakita ng terminator at imatrix.

may listahan ng mga emoticon dito. nakaaliw ang imahinasyon ng mga bumuo ng mga yan.

ito ang emoticon ng yosibreak:

:Q~

kiss: (:-*
long-stemmed rose: @>--->---
at naaliw ako dito sa emoticon ni Homer Simpson: (8(|)

pwede.

imagination. the key to the universe.

Walang komento: