Martes, Oktubre 05, 2004

gmail error



kanina ko pa binabalik-balikan ang tunay kong account pero yan ang lumalabas. server error. isang milyong 30 seconds na siguro ang dumaan. sinubukan kong mag-login sa yosibreak account, pumasok naman. nag-delete ako ng cookies. sinubukan ko sa IE imbes na firefox. wala pa rin dude...weird. may nag-hack kaya? nakakapraning eh. napansin ko nang makapasok ako sa yosibreak account na may mga updates. siguro nagpapatuloy pa ang update at hindi pa natatapos ang sa akin. *fingers are crossed* sana mamaya ma-access ko na ang gmail ko!! waaah!

btw, may invites pa yan. kung napadaan kayo dito sa site at wala pa kayong gmail (ano?? wala ka pang gmail??? hehe), email lang sa yosibreak[at]gmail[dot]com. kung yan ang gusto mo, bibigyan kita. kung maka-login ako. hehe.

Walang komento: