Biyernes, Oktubre 15, 2004

linux games!

or yosibreak vs machine part 1

isa sa mga unang sagabal sa paglipat ng karamihan sa paggamit ng Linux ay ang kakulangan ng mga games. meron naman tulad ng Never Winter Nights at iba pa pero hindi kasindami at kasindali i-setup tulad sa windows.

hindi ako magko-komentaryo tungkol diyan. di ko nga alam kung bakit ko inumpisahan diyan. nag-update na naman kasi ako ng Debian Sid installation ko at medyo hindi ako nag-ingat, banat lang ng banat, at ayun, nawala ang sound functionality. napatungan ko yata ang kung anong configuration file. kaya hindi ako makapagpatugtog sa XMMS, ang winamp clone sa linux. tinamad na naman akong ayusin at di ako masyadong feeling geek at feeling hacker. sige na nga, tamad lang. period.

kaya nagkiki-klik lang ako sa desktop. habang tinitingnan ko kung ano ang bago sa GNOME, nakita ko ang ilang mga games. mga hindi ko pinapansin dati. sobrang simple kasi. ang ideya ko ng game e yung barilan, sagupaan tulad ng Counter-Strike at StarCraft. sinubukan ko ang Gnibbles, parang larong snake. aliw lang. next.



at nagtagpo kami ng katunggaling computer sa Four-in-a-row. hindi ko matalo ang bwakangina! nainsulto ako! pagkatapos siguro ng sampung laro, balagoong pa rin ako. masusi kong iniisip ang bawat tira ko pero di pa rin ako nananalo. lagi pa niyang sinasabi na 'i win'. ano kamo? meron kang 'I', may self kang matatawag? ang yabang mo, kala mo may identity ka! ako meron dahil tao ako! hintay ka lang, you piece of code!!

nainsulto na talaga ako. tumayo muna ako at kumuha ng kape. nagyosibreak. huh! ako nakakapag-yosibreak kasi tao ako, di tulad mo na nandyan lang kasama ang mga capacitor at chips. huh! inggit ka lang... paubos na ang isang istik nang maisip ko, ampotah, di ko matalo ang computer. isa ba itong tagisan ng makina at tao? Agent Smith vs Neo? matutulad ba ako kay Kasparov na natalo ng Deep Blue? hindi ako makapapapayag...(*dramatic pause*) HINDI AKO MAKAPAPAYAG!!!

madiin kong dinildil ang upos sa ashtray at umupo sa harap ng computer.

mabigat ang bawat tira. tinitimbang ang kasunod na kombinasyon. maingat sa anumang patibong ng computer na gunggong...hanggang sa umabot sa kritikal na sandali:



tira isa. tira dalawa. at ayun nakita ko. tumindig ang mga balahibo ko sa batok. nanalo ako. *iyak*


2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

meron pang isa, ang walang kamatayang galaga..hehe. namimiss ko na..maliit lang kasi ang harddisk ko sa bahay kaya hindi ko maiayos. may tanong ako kuya vic, gusto ko magsetup ng pang server...webhost. anong kailangan ko?

-albert8

yosibreak ayon kay ...

albert, apache ang kailangan mo. pag nag-install ka naman ng linux, may option na magsetup agad ng web server. pero syempre depende sa distro. maraming howto na available sa net. check mo ang tldp.org. good luck.