Lunes, Oktubre 18, 2004

bleh!

natakam ako dahil may audiobook ang thus spoke zarathustra na pwedeng i-download nang libre sa audiobooksforfree.com nang maalala kong linux pala ang gamit ko at walang audio functionality sa ngayon... bleh.

sinubukan ko rin mag-install ng feeds reader na Blam. ayos naman. wala nga lang support para sa atom. RSS lang. o di ko lang naintindihan. sayang, atom pa naman sa blogspot. o di ko lang talaga naintindihan...bleh.

nandito ako sa linux partition ko ngayon kasi pinipigil ko ang sarili ko. ayoko nang maglaro ng starcraft (na sa windows naka-install), masyado na akong adik. mas maganda naman talaga dito eh. mas robust, mas maraming options, may sense of fun, secure, at marami pang ibang eklat. limitado nga lang ang games... teka may nakita akong howto kung paano patakbuhin ang starcraft sa linux... bleh.

sa kabilang banda, 65% completed na ang bittorrent download ko ng comics na Lucifer. buong koleksyon pare...di na ako makapaghintay.

Walang komento: