Linggo, Oktubre 24, 2004

payaso at sindikato

kumukupas na sa panlasa ko ang talim ng mga hirit ni Wanda the Fish kaya binigyan ko siya ng bagong database. nilagyan ko na rin ng nasa kategoryang 'offensive'. mas matabil na ang dila nya ngayon. Ako ang panginoon ng aking silid at kailangan ko ng isang payaso.

sabi nya:
Sex is not the answer. Sex is the question. "Yes" is the answer.

ayos din.
==

ngayon ko lang nadiskubre ang ka-haytekan ng syndication. una kong sinubukan ang Blam. maganda sana yan kaso hindi bumabasa ng Atom feeds na default dito sa blogspot. tapos sinubukan ko din ang Sage, isang extension ng firefox. ayos din sana pero medyo nakikialam sa browsing at di ko gusto ang layout. Liferea ang gamit ko ngayon at dito, kuntento na ako. supported ang RSS at Atom, stable, at maganda ang interface.

syndication ang sagot sa bilis ng buhay sa cyberspace. awtomatik, titingnan ng feed aggregator mo ang mga site na paborito mo kung may update na. ayos na ayos para sa bloggers. tipid sa oras dahil mababasa mo na sa aggregator ang mga bagong entries, di mo na kailangang puntahan isa-isa ang mga site gamit ang browser. may panahon ka pa para gumawa ng ibang bagay maliban sa bloghopping.

pero parang mas lalo akong nawawalan ng oras. sa dami ng subscription ko mula sa tech news, international news, local news, hanggang sa mga blogs, ganon din. hehe. bottomline, walang nagbago, naaliw lang ako sa teknolohiya.
===


3 komento:

emmanslayer ayon kay ...

bloglines ang gamit ko. web-based. para isang rss-reader lang ang mini-maintain ko. kasi i also check out my subscriptions sa office. :D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

bakit hindi na lang yung live bookmark feature ng firefox kuya vic? supported kahit anong feeds. atom, rss 0.91/0.92, rss 1.0 pati ang atom 0.3. :D

a8

Tiradauno ayon kay ...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/