Sabado, Oktubre 23, 2004

filipino hospitality

napanood ko sa TV kagabi na tinatayang sa loob ng limang taon ay magiging sentro ng industriya ng call center ang pilipinas. mas magagaling daw kasi tayong mag-ingles kaysa sa mga agents sa India na siyang nangunguna sa ngayon. bunga ng kolonyal nating nakaraan at kolonyal nating kasalukuyan. mas mahusay tayo sa customer service dahil sa mas likas sa pinoy ang ganitong klase ng trabaho. tanyag sa mundo ang filipino hospitality.

hospitality. ewan kung may tamis-anghang ang siste ng balitang ito na nakita ko galing sa slashdot: hindi na lang customer care ang ina-outsource sa India kundi pati medical care na rin. hospitality mulang telepono hanggang sa tunay na opital, kaya ba natin? $200,000 ang halaga ng operasyon sa puso sa US, samantalang $10,000 lang ang katumbas ng gagastosin sa New Delhi. may sidetrip pa sa Taj Mahal, 'san ka pa.

kung maaagaw natin ang trono mula sa India sa larangan ng call center, makukuha kaya natin pagdating ng panahon ang outsourcing ng medical care? siguro. kung hindi lang sana nag-alisan ang mga doktor natin para maging caregivers. siguro. kung hindi lang nagsipaglipat ang mga medical professionals para maging call center agents.

pagdating ng araw na 'yon, biruin mo, sa halagang kalahating milyong piso, firstclass na operasyon sa puso sa makati med. may sidetrip pa sa baywalk, ye know, to see the famous manila bay sunset.

hehe. crazy.

5 komento:

mikael ayon kay ...

ehem, ekskyusmi. nagba-bloghopping lang ako, ta's nakita ko 'yung isa sa mga entry mo sa ibaba.

puwedeng magdownload ng lucifer at ng sandman? talaga? paano at saan? kasi gusto ko sanang basahin ang mga 'to, kaya lang wala akong pambili, ehehehe.

salamat.

yosibreak ayon kay ...

mikael,
bittorrent ang ginamit kong program. may mga listahan sa mga website tulad ng suprnova.org. maliban sa Sandman, nakuha ko din ang The Dreaming at Thessaliad sa pamamagitan nyan. gudlak.

yosibreak.

crow49 ayon kay ...

yosibreak,

Una sa lahat, maraming salamat! Nagulat ako sa tinuran ng isa kong kaibigan, na nakadugtong daw ang blog ko (http://tampokna.blogspot.com) dito sa blog mo. Hindi ako makapaniwala. Kaya minabuti kong hanapin at tingnan. Unang pasok ko pa lang sa Yahoo! Search, kita ko na agad itong blog mo. Maraming salamat. Hindi mapantayan ang aking kasiyahan sa iyong pagpili sa blog ko. Akala ko, mga kaibigang napipilitan lamang ang nagbabasa ng blog ko. Meron pa palang iba. Salamat ulit. Ako ay nagtatanong lamang, paano mo natagpuan ang blog ko? Nang mabasa ko kasi ang ilang artikulo pa lang sa blog mo, medyo napaisip na ako. Ikaw ba ay katsikahan ko sa Titik forum? Kung hindi, mangyari po lamang bigyan tugon aking katanungan. muli, Salamat.

Ngayon, dito sa iyong tinuran, tama ka. Pero kung titingnan, natin, ang ating mga kumpanya dito sa atin na dating namamayagpag sa larangan ng encoding ay humihina na at nababawasan, ang iba ay nagsasarado pa. Bakit? Kasi karamihan ng mga kliyente ay pumunta na sa India. Bakit ulit? Kasi mas mababang presyo ang ibinigay ng ating mga katoto sa India. Kahit pa sa katotohanang mas magaling tayo kaysa sa mga bumbay. Hangga't patuloy na magbibigay ang mga Bumbay ng presyong pang-hulugan, patay tayo dyan!

salamat,

crow49 a.k.a. tampokna

yosibreak ayon kay ...

crow49,

oy, napadaan ka. hindi ako ang katsikahan mo sa titik. :) wala lang, nakita ko lang ang site mo at naisipan kong ikabit. interesado kasi ako sa mga nagba-blog sa tagalog. :)

crow49 ayon kay ...

yosibreak,

maraming salama kung ganoon... bilang pagtanaw ng utang na loob, hayaan mo sana akong ikabit din yung blog mo sa aking blog (sabagay ginawa ko na). Ngunit kung may konting pagtutol ka, mangyari lang ipaalam sa akin. Muli, salamat. Sana ay magi tayong kaibigan. Madami akong tanong tungkol sa yosi, sa linux, hehehe...

salamat!