Linggo, Oktubre 10, 2004

pinoy cybersports



ginanap ang finals ng World Cyber Games sa San Francisco nitong Oct 7-10. hinanap ko agad ang pangalan ng mga pambato natin sa Starcraft: Broodwar na sina Marvel Medoza aka autumnwillow at Marko Mendoza aka portia. tiklap na pala sila. ni hindi nag-qualify. nakasungkit ng isang panalo si Marvel laban kay Mauro_gt ng Guatamela pero ang kapatid niyang si Marko ay tumiklop nang walang naipanalong round.

o sige na nga at bigyan natin ng konsiderasyon. nakatapat ni Marvel si Fisheye ng germany, mukhan tagilid talaga siya doon dahil kilalang gosu ang isang yan. samantala, si Marko naman ay nakalaban si Mondragon ng germany, isang gosu din. pero parang yan lang ang konsiderasyon na pwedeng ibigay. hindi pwede sabihin na bata pa kasi sila dahil halos ka-edad lang nila ang iba pang manlalaro.

ganyan na lang ang pagkadismaya ko dahil sa ilang mga dahilan. unang una ay dahil paborito ko ang laro at gusto kong magkaroon man lang tayo ng laban. pangalawa, sa cybergames tulad nito dapat tayo may laban!

sa olympics, asa pa tayo. dehado tayo sa maraming larangan. unang una ang build ng lahi natin. ikalawa sa marami pang bagay ang kakulangan ng pondo ng mga manlalaro. maliit tayo, at ano naman ang maipoporma natin sa basketball halimbawa laban sa mga higanteng USA at China. nalilimitahan tayo ng pisikal sa ganitong palaro. pero sa cybergames, hindi mahalaga ang pisikal. ang maliit na pinoy ay dapat na makasabay sa katunggali niyang kano dahil pareho lamang sila ng hardware na ginagamit. bilis ng kamay at bilis ng isip ang tumbasan. hindi rin dapat problema ang training dahil computer lang ang gagamitin. may internet naman sa pilipinas at pwede naman silang maki-train sa battlenet. kung gusto nila dito sila sa shop mag-battlenet! nagiging pantay ang factors sa cybergames at dito sana tayo may pag-asa na makakuha ng pagkilala.

hindi lang physique ang nai-equalize ng cybergames. nabubura din ang geograpikong mga problema na kalimitang sakit ng ulo ng mga atleta natin sa olympics. naririnig natin ang angal ng mga olympians natin na kulang sila sa training dahil hindi nila nakakalaro o nakaka-train ang taga-ibang bansa. walang exposure. pero sa cybergames tulad ng starcraft, hindi na problema yan dahil sa 8th wonder of the world na Internet. dahil sa internet, kaya nating hasain ang kalibre ng ating mga manlalaro na maging kasimbisa ng mga gosu sa korea. may exposure sa world-class gaming.

ikalawang taon na ni Marvel Mendoza bilang pambato ng pilipinas sa WCG. dapat may laban na siya. may panahon na siya para hasain pa niya ang galing niya. sa tingin ko, kung gusto talaga natin na magkaroon ng pangalan kahit sa cybergames man lang, ihanda na siya at ang kapatid niya para sa susunod na taon. kaya nating ibigay ang kakailanganin nila. computer, internet connection, at moral support lang, solb na tayo. at para magkaroon ng mas malawak na base, magkaroon din tayo ng local tournament. pero alam ko dito magkakaroon ng problema dahil sa pondo. at dahil hindi conventional sports ang cybersports, baka mahirapan kumuha ng sponsors. ewan ko kung anong pagpapahalaga ang ibinibigay ng philippine sports commission sa cybergames, ewan kung nari-realize nila na may tsansa tayo sa ganitong klaseng palaro. pero sana kaunting suporta pa. hindi naman mahirap ibigay ang mga kailangan. nandyan naman ang Samsung bilang sponsor mismo ng WCG. kayang kaya ng pinoy at dapat kayanin ng pinoy dahil dito siya may laban.

more links:
world cyber games philippines site
manila times article
sa inquirer

Walang komento: