Sabado, Nobyembre 06, 2004

The Forgotten



kanina lang kami ulit nakapagsine ni bm. pagdating sa mall, sandali pa naming pinag-isipan kung alin ang panonoorin - ang The Incredibles o ang The Forgotten. Malakas ang hatak ni Julianne Moore laban sa animation kaya doon na kami sa huli.

ang lupit ng unang kalahati. nakaka-intriga kung ano ba talaga ang nangyayari at pilit binubura ng kung anong conspiracy ang alaala ng anak ng bida. hanggang sa yun na nga. nakahuli sila ng NSA agent na nagmamanman sa kanila. nang ibinulong nito ang "they are listening..." at biglang sumabog ang bubong ng bahay at naglahong parang bula ang agent, nagsuspetsa na ako. mamaya-maya pa, ipinakita na ang pambihirang kapangyarihan na pumipitik sa mga tao papuntang langit. nakngtetenggalit, nawala na ang interes ko. natatawa na lang ako sa mga pa-suspense dahil niloloko na ako ng pelikulang 'to.

natatawang sinaabi ni bm pagkatapos, dapat yata The Incredibles na lang ang pinasok namin. OK lang yun. Ingkredibol din naman ang pinanood namin. Two birds with one stone, sankapa.

Walang komento: