Sabado, Nobyembre 06, 2004

pwede pala pare ang ganito

pwede pala pare ang ganito.
nakatunganga at walang laman ang ulo.
heto at isang estropa nga'y di mabuo,
paano pa kaya ang kaligtasan ng mundo?

pero bago 'yan, sarili munang kaligtasan.
bakit ko iisipin ang kaligtasan ng bayan?
'yan ay para sa mapagpanggap na burgis.
burgis ako pero di mapagpanggap, taragis.

pero di yan ang gusto kong sabihin.
wala naman talaga kung iisipin.
kundi heto ako't nakatunganga
kinakain ng di-nakikita.

Walang komento: