Lunes, Nobyembre 08, 2004

tagalog wikipedia

meron palang tagalog wikipedia. marami pang kailangang pagtulungan sa site, ang daming mga link na walang laman. bisitahin at mag-contribute. nag-sign up ako at naki-edit. pinalitan ko ang isang salita sa isang artikel tungkol kay rizal. ang sakit sa tenga ng "manunula" kaya pinalitan ko ng "makata". yun lang ang ginawa ko pero masaya na ako. at least may naitulong kahit isang salita lang. at least sa ngayon, yun muna. :p

ano ba ang wikipedia? isang online encyclopedia sa pormang wiki. ano ang wiki? basta isang website yun na pwedeng i-edit ng kahit sino, isang website na isinulat ng mga user. dakila ang kaisipang nasa likod nyan: demokrasya. lahat ay author, lahat may say. lahat din pwedeng mang-gago. tulad sa lahat ng demokrasya. kung may tanong ka pa, i-google mo na lang, online ka naman. :p


3 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kuya vic, sa wiki kapag may nanggago pwedeng ibalik sa dating content niya. Iyon ang bentahe ng wiki kesa sa ibang CMS. Wala akong masyadong background sa wiki kaya hindi ko rin sure kung tamang tawagin na CMS din siya.

- albert8

yosibreak ayon kay ...

bert, oo nga. di ko lang nasabi. :D bale may back-up ang anomang ine-edit tapos pwedeng ibalik agad pag ginago. yun nga, pwede pa ring gaguhin, pero wa epek.

may wiki site ako dati sa lumang server. masarap paglaruan. :)

qroon ayon kay ...

oo.. laruin natin ng laruin .... he he he .... kelan ba natin sisimulan ang naunsyami nating "How-to"?