Miyerkules, Hunyo 29, 2005

Be

Pikit kong isinusulat
damdaming mulat
Sa hapdi ng katotohanang
Dulot ng 'yong kapalaran
Ako'y nakahiga
Manhid, nais makawala
Yakap ng lungkot, luksa
pighati at kirot
nitong pag-ibig na baluktot
Ito ba ang sumpa ng ating pagtatagpo?
Pait na dulot ng huwad na silakbo.


***
Nais kong matulog
sa tabi ng iyong hubog
unan ko ang 'yong balikat
kumot ko ang 'yong balat
Huni ng 'yong paghinga
Ang siyang musika
O kay tamis ng hele
sa piling mo be!

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.

yosibreak ayon kay ...

maraming salamat :)