Miyerkules, Hunyo 29, 2005

First Day Funk

Gusto ko ang mga simula. May kakaibang energy na sa mga ganong pagkakataon mo lang mararamdaman. Masaya ang magulong kalsada, busina ng mga sasakyan, mga naglalakad na estudyante at mga papasok sa opisina. Parang kumikinang ang paligid sa umagang katatapos lang umulan.

Yung ipinakikilala ka sa lahat ng naroon, kaunting palitan ng tanong kung saan ka galing, pero hindi pag-uusapan kung saan ka patungo. Ganyan ang tanong pero walang ni isang may alam kung ano ang nakaraan, at di sila ganon ka-interesado. At di ka rin masyadong interesado. Mas interesado sa mga mangyayari sa inyong munting grupo ngayong narito ka na. Gusto ko talaga ang mga simula.

Walang komento: