Lunes, Hunyo 27, 2005

hahaha

(circa 2004)

ha!

ngayong alam na ng sansinukob ang krimen!
ngayong hindi makaharap sa salamin!

ha!

hindi binabawasan ng panahon ang pighati
kaluluwang ikula ma'y hindi na puputi

ha!

magpumilit man, ang diwa'y di makatakas
mabubulok sa naiwang pahimakas

ha!

mananatiling isang hampaslupang hangal
hindi maibabangon ang nasirang dangal
sapagkat sa hinagap na pirming basal
di matutubos ng karaniwang dasal
ha!
ang winaldas mong pagmamahal!

Walang komento: