Martes, Hunyo 14, 2005

panaginip

hindi ako nananaginip. o hindi ko naaalala ang mga napapanaginipan ko. madalas akong mainggit kapag napupunta ang kwentuhan sa mga napanaginipan. ewan ko kung bakit ilang taon nang sobrang rare na makapasok ako sa kaharian ni sandman.

kanina yung isa sa mga pambihirang pagkakataon na nanaginip ako. mahabang panaginip at talagang parang totoo. ang saya nga eh. bumalik na daw siya sa akin. di ko alam kung papaanong nangyari at bumalik siya. nasa isang bahay ako na di ko pa nakikita kahit saan. tapos pagpasok ko nandoon siya, nakahiga na parang tagaroon siya. tagaroon pala kaming dalawa. tapos tinanong ko siya kung bakit siya nagbalik. hindi naman daw siya umalis.

tapos ang saya. dama ko ang bawat segundong lumilipas. lagi kaming nagtatawanan. kulitan. harutan. nakita kong may sasabihin siya sa akin, at may sasabihin din yata ako. pero umaatungal na yung alarm ng cellphone ko. teka di ko marinig yung sasabihin niya. hanggang sa di ko na rin siya makita. nagising akong pawisan tulad ng laging nangyayari. pero parang pagod na pagod ako.

Walang komento: