Linggo, Hunyo 19, 2005

silang napagod na sa akin

silang napagod na sa akin

silang napagod na sa akin
silang di na makahintay
ay di ko masisisi
sapagkat napakahirap
maghintay sa pagbangon
ng patay.

proberbyal ang pagbabanhaw
pagkatapos ng tatlong araw
pero kung pitong panahon
na ng tag-araw ang lumipas
at di pa rin lumalabas
mula sa sepulkro
ang pinatay ng sariling kurus
di ko masisisi ang naghihintay.
baka talagang gusto nang humimlay.



Walang komento: