Biyernes, Setyembre 02, 2005

blagggett

** Walang dahilan para hindi mag-blog kung may internet connection naman. Kung nasa trabaho, madaling umi-style. Firefox and gamiting browser (baket IE ka pa rin ba??), tapos lagyan ng BlogThis extension. Isang right-click lang, makakapag-blog sa isang maliit na window. Kung gusto namang mas patago, i-setup ang blogger para makapag-post gamit ang email. Kung wala akong post, wala lang talaga akong masabi.

O kaya tinatamad ako.


**I am the man! King for August! Sa company cocktails, team namin ang host. Nagmukha kaming tanga doon sa a-la Shawn Michaels Sexy Boy dance number namin. Pero aliw naman. Kaya lang hahahaha! Nakakahiya talaga kami...Tapos, coronation na. May turnover pa ng korona mula kay Leo. hehehhee. Mas swerte ako may gift certificate sa sosyal na spa tapos may 3 GC din sa starbucks. Maliliit na bagay mula sa kompanya na ma-aappreciate mo.

Tapos, nagpaalam kami kung pwedeng mag-inuman sa opisina. Pumayag yung CEO namin!! Ang lakas talaga ng team namin sa kanya. Rakrakan magdamag!! Bangag yung TL namin. Parang one of the boys na. Tapos nung lasheng na, LAN party sa quadrant namin. Counter-strike! hahaha! Just like the old school...


**Eh kasi naman, mga kupal yung nasa ibang team. Mga plastic. Sila-sila nagsisiraan. Yung tipong pag nagyoyosibreak at wala yung isa sa kanila, yun ang pag-uusapan, titirahin. Tapos pag lumabas, ayun, biglang supersweet naman. At ipinaparinig pa sa iba. Kaya di ako humahalubilo sa kanila.

Walang komento: