Sabado, Setyembre 03, 2005

Habang Nag-wiwiwi

Nagwiwi ako kanina sa restroom sa may opisina. Dinatnan kong kumakanta yung janitor habang naglilinis. Malakas, pasigaw. Nakilala kong kanta ng Jerks, Sayaw sa Bubog, saulado nya. Pero ganito nya kinanta yung chorus:

Sayaw! Sayaw!
Sayaw sa bubog!
Ang naglalakad nang sabog
Siguradong mauumpog!

Hehehehe. Naihi ako katatawa. Ayos din. Matutuwa naman si Chikoy Pura.

Walang komento: