Linggo, Nobyembre 27, 2005

Open Source Tayo Pare

Sabi sa akin ng katrabaho ko, ayaw nyang gumamit ng program na hindi nya naka-crack. Hehehe. Cute pero di ko gusto yan. Kasi mas gusto ko yung alternative, yung Open Source.

Sa pag-eedit ng pictures, ayokong gumamit ng Adobe Photoshop. Ayokong bumili, kahit yung pirated. Mas gusto ko ang The GIMP (GNU Image Manipulation Program). Para sa akin, mas magaan at kasing-kapangyarihan. Mas kwela pa. At syempre, libre! Di na kailangang i-crack. Nawiwili nga akong gumamit nito lalo na ngayong may bago akong digital camera. Yung mga pictures ko sa friendster, ito ang pang-edit ko. Heto ang pinakahuling eksperimento:

yosibreak - created with The GIMP

Hehe. ako yung nagyoyosi pero anino ko lang ipinakita ko kasi baka ma-discover ako. Hahahha.

Para sa vector graphics editing naman, Inkscape ang ginagamit ko. Ayoko ng CorelDraw, ayoko ng Adobe Illustrator. Inkscape. Madaling gamitin, libre. Sampol:

yosibreak - created with Inkscape

O di ba?

Sa pagda-download naman, ayoko ng mga popula programs na puro malware, adware, bulkware. Gusto ko ang WackGet. Sobrang liit, sobrang gaan pero kayang gawin ang gusto kong mangyari. Pare biruin mo 180 kb lang ang installer! San ka pa? Para sa mga naka-dialup na napuputulan ng download, eto ang kailangan nyo. Ewan ko lang kung maputulan pa kayo habang nagda-download ng 180 kb file. Wag na kayo dun sa downloaders na nasa 2 MB yung installers tapos pag naka-install na, puro ads at puro kalokohan ang laman.

May iba pa akong ginagamit na open source programs pero yan na lang muna ilalagay ko sa post na to. Tinatamad na ako eh. Hehehehe. Punta na lang kayo sa listahan na to kung interesado kayo. Alam kong mahirap kayong kumbinsihin na palitan ng Linux yung mga Windows computer nyo pero baka gusto nyong subukan ang mga open source programs na para sa Windows. Pindot Dito.

Ayt. Good night, world.

Walang komento: