Miyerkules, Pebrero 08, 2006

Tahak

Pilit kong tatahakin
ang liwanag at dilim
ng makinis mong lihim.

ngunit

imposibleng balakid
ang sulok at ang gilid
ng larawang kaniig.


===

Isinulat ko yan para sa Tahak, larawang kuha ni Hiraya. Hindi ko pwedeng i-display dito kasi protektado. Tingnan nyo na lang sa link na ito, kung gusto nyo. Salamat.

3 komento:

Chesuki ayon kay ...

Wow, maganda po yung poem na isinulat niyo. Check ko pa po yung mga links na prinovide niyo. =]

yosibreak ayon kay ...

salamat. :) Gagamitin daw ni Hiraya sa exhibit nila. ayzden! :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

uy, ngayon ko lang nakita 'to ha. ;p
salamat, salamat. :)

Hiraya