Martes, Pebrero 07, 2006

Buhay Dubai

Mula ito sa brod ko na nasa Dubai. Minsang pinag-awayan namin sa egroup ng magkakatropa ang pangingibang-bayan. May iba kasing sinusumpa ang PIlipinas dahil sa kabulukan ng sistema. Ako naman, na-offend kaya tumira din ako. Sa huli, nag-post ako ng lyrics ng Reklamo ng Jerks. May napuruhan at ilang taon akong hindi kinausap.

Ang punto ko lang naman, e wag naman isumpa ang Pilipinas. Igalang ng bunga ang ugat. Yun lang. Mangibang-bayan, sige. Doon na mamalagi, sige. Pero wag na wag na wag mong mumurahin ang Pilipinas dahil hindi mo ito pinapalamon.

Bago magpagting ulit ang tenga ko, heto ang isinulat ng tropa ko tungkol sa Dubai. Umiikot sa isip ko ito, akong ayaw mangibang-bayan.

'Nga pala, bati na kami ng brod ko. ayaw ko na ng away eh. peace mehn.

at sa lahat ng interesado,

hindi naman lahat ay bad trip dito.
o particular na sa kaso ko, nandito ang asawa ko at ang aking magiging
anak. kaya masaya rin ako.

ilan sa mga bagay na mas ok kaysa sa pinas:

1. malinis ang dubai. walang kalat, regular ang basura collection, oo napaka trivial
na bagay, pero bakit hindi nagagawa sa pilipinas.

2. napakababang crime rate. wala pang na hold up na bangko dito. wala pang kaso
ng kidnap for ransom, for other reasons meron na ata. may mga rape, petty theft, ilang mga violent incident, pero hindi talamak gaya sa atin. hindi pa siguro kasi gutom ang mga tao dito, o...

3. maaayos ang mga institusyon dito. sa isang banda, mahusay ang pamamahala ng emirates. lalo na ang leader ng dubai, na sabi ay nag aral pa sa singapore. dinesign nya ang dubai na money making place for workers and business owners. lahat ng pangangailangan ng mga ibat ibang lahi, income group, o ethnic group dito, ay na proprovide one way or the other. kaya ok. halimbawa, hinyaang mag tayo ng mga eskwela na may indian, pilipino, UK, russian, curriculum. may mga murang lugar para sa mga low income groups, may mga posh places para sa mga affluent. pero mga basic services ay meron lahat sa mga lugar na ito. accesibility and quality is another issue, but at least its there. hindi gaya sa atin, may mga basic services na hindi mo ma afford o totally wala. sa maynila sige kumpleto, pero sa labas ng maynila, paano na.

4. mataas pa rin ang sweldo mo dito, kumpara sa pinas. mura ang pagkain. so pwede ka makaipon, basta hindi ka maarte, at kaya mo magtiis. yun nga lang, maraming nagsasabi na hindi na ganoon kaganda ang bigayan sa sweldo gaya nung araw. ang dami mo na kasi ka kompitensya. dati raw pinoy ay treated as skilled labor. mahuhusay kaya mahal ang presyo. pero ngayon dahil napakadami ng lahi dito, bumababa rin ang presyo ng pinoy, simple case of supply and demand. ang dami supply, kaysa demand, mas mababang presyo. pero dahil din sa purchasing power ng DIRHAM over the PESO, mas malayo pa rin ang mararating ng sweldo mo dito sa dubai kaysa sa sweldo mo sa pinas. at sama mo na rin yung may magbibigay pa ba ng trabaho sa iyo sa pinas...


in a way may swerte rin naman ako dito. maganda ang napasukan kong company ngayon. and things are looking up. i joined a start up telecom company. at ang yaman ng parent company nito. malaki ang sweldo ko kumpara sa pilipinas ngayon, at medyo there is room for luxury. pero hindi natin alam kung lahat ng pupunta dito ay ganito ang makakamit. hindi sa pagmamayabang pero i am better off than most pinoys here. kung lahat ng pinoy pwede maging nasa sitwasyon ko, mas maganda.

kung matatanggal lang ang crab mentality, napaka ok.

kanya nga lang pag arab ang amo mo, tingin sa pinoy ay servant pa rin, stigma ng mga domestic helpers, no offense meant, nothing wrong with what our other fellow pinoys are doing. point ko lang ay ang mga arab tingin nila hanggang dun lang lagi ang pinoy, at hindi na pwede pag mga decision making activities na. which is not the case, alam naman natin yan, alam naman nating iba ang diskarteng pinoy. kung caucasian ang amo mo, medyo may pag asa ka, mas pantay lumaban o tumantsa ng skills ang mga yan. ang mga arab kasi insecure, sama mo na ang mga indian, kasi alam nila na mahusay ka, at alam nilang bobo sila. at kaya mo silang lampasan, so as much as possible, they would like to keep you down there.


so yan ang bits and pieces from me, for now.

3 komento:

pao ayon kay ...

hehe. sensitibo ang isyu na yan para sa atin. palagay kasi ng ibang tao, dapat na kumaripas ng takbo palabas ng pilipinas. they think people who think otherwise are crazy. i beg to disagree. anyway... back to my hibernation... zzz.

qroon ayon kay ...

ito rin ang dahilan kung bakit nananatili pa rin akong nandito sa Pilipinas kahit may malaking oportunidad sa ibang bansa. nais kung patunayan na kaya pang mabuhay ng matino dito sa atin. sana nga lang ay kayanin pa natin :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

masuwerte ka sa kalagayan mo kung ganon..hnd katulad namin mga hotelier sa dubai.mas malaki pa sahod ng mga taxi driver or guards dito. siguro sa kalagayan mo ngayon hindi ka na nakikipagsiksikan sa flat.

ang msasabi ko lng hindi lahat ng pumupunta sa dubai nagiging matagumpay. mas marami prin ang nagtitiis dito.. marami nrin ang mga nagsusuicide dito lalo na sa mga indiano this year 120 ang nag suicide sa hirap ng buhay dito