Linggo, Nobyembre 11, 2007

Circa 1995

Circa 1995

Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 12 taon. Maraming pwedeng magbago. Pero may ilang mga bagay na nananatili, naghahamon ng labindalawang taon pang lilipas.

Halimbawa, gusto ko pa rin ang Chuck Taylor. Pangatlong pares ng pulang chucks na ang gamit ko ngayon at sa loob ng 12 taon, nakita ko na ang peke ay mas matibay pa sa orihinal na chucks.

Halimbawa nandyan pa rin ang tropa. Ilan na ang nagpakasal at nagkaanak, nag-away at nagbati. May nawala at may lumitaw muli pero sa loob ng 12 taon buo pa rin ang kamusmusan sa inakala mong hindi magtatagal. Para bang ang pagkakaibigan ay mas matatag pa sa tunay na kapatid.


Walang komento: