Martes, Nobyembre 13, 2007

Fianchetto

I learned a new word today: fianchetto


Kung kilala mo ang salita, alam mo na may kinalaman sya sa chess. Nakita ko ito sa wikipedia habang nagbabasa-basa kung papaano ako magiging mahusay sa larong 'to. Para naman may sport din ako na maituturing (maliban sa Starcraft!).


E kaso mo talagang sa puntong ito hindi ko matalo ang AI ng GNUchess. Nanalo na ako ng ilang beses sa easy mode pero sa normal talagang inilalampaso ako. Nakakapikon na nga e. Lalo na pag naiisip ko na computer lang ang kalaban ko. Wala syang emotional investment sa activity. Pag nananalo sya hindi naman sya natutuwa. E paano naman ako, pag nakakain ang queen ko nadedevastate ang aking self-esteem. Pag natatalo sya at talagang bihirang mangyari yon sa easy mode, hindi naman sya naaapektohan. Pag natatalo ako gusto ko nang ibato ang laptop ko. Sya walang kahirap-hirap na tumitira, ako talagang kinukulta ko ang utak ko sa mga possibilities, trying to think at least 5 moves ahead, pero wala pa rin!


Do you understand how cold the universe has become??

Walang komento: