Sabado, Enero 12, 2008

homesick


homesick
Originally uploaded by yosibreak

Sya si Badette, pamangkin ko. Kinuha ko itong picture na'to habang nagmumukmok sya dahil gusto nang umuwi sa Las Pinas. Nasa Tandang Sora sya nito kasi kailangan namin syang pasukatan ng isusuot sa kasal. Sya ang flower girl namin.

Galing na kami sa Divisoria nito; gusto ko pa sanang magpahinga nang kaunti bago bumiyahe pero nung nakita ko syang ganito, umalis na rin kami agad. Hindi dapat naho-homesick nang matagal ang isang bata.

Walang komento: