Huwebes, Pebrero 07, 2008

Segundo

Segundo

Segundo

Kung sa isang iglap,
makalimutan ng Diyos
na ako ay isang manikang basahan
at kanyang pagkalooban
ng kapirasong buhay
hindi ko sasabihin
lahat ng iniisip
sa halip ay iisipin
lahat ng sasabihin.

itatangi ko ang bawat bagay-bagay
hindi dahil lamang sa kahalagahan nito
kundi sa kung ano ang kahulugang totoo

ako'y matutulog nang kaunti
at mas mananaginip
mauunawaan na sa bawat minutong pagpikit
nawawalan tayo ng animnapung segundo ng liwanag

maglalakad ako kung ang iba ay ayaw humakbang
mananatiling gising kung ang iba ay maidlip
makikinig ako
kung may magsasalita
kung ako ay may puso
isusulat ko ang puot sa yelo
at maghihintay sa pagsikat ng araw

ang aking luha ang didilig sa rosas
sa kanyang tinik, dadamhin ko ang kirot
at ang pulang halik ng talulot

ipapababatid sa lahat ng minamahal
na minamahal ko silang lahat
mabubuhay ako nang nagmamahal
sa pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig.

marami akong natutunan mula sa mga nilalang
ngunit ang katotohanan
wala itong pakinabang
kahit pa ingatan ko
sa loob ng maletang ito
malungkot ko pa ring lilisanin ang mundo.


-Dong Abay
===

Malungkot ako kahapon sa dahilang hindi ko alam. Nangyayari ito sa akin paminsan-minsan. Wala namang mabigat na pinoproblema pero napakabigat ng pakiramdam. Basta nagising na lang ako na malungkot ako. Nangyayari din ba sa inyo yun? Medyo matagal na rin akong hindi tinatamaan nito pero kahapon bumanat ulit.

Sa trabaho, puro reklamo ang laman ng isip ko. Kesyo hindi ginawa ni ganito ang naka-toka sa kanya, hindi kompleto ang notes sa ganyan, sobrang tamad nitong isang ito, walang kwenta si ganito ganyan, naaalibadbaran ako sa pagmumukha nitong ungas na'to, etsetera etsetera etsetera.

Kaya sa pagpupumilit na alisin ang ganitong feeling, naghanap ako ng mapapatugtog. Sound therepy. Itong kanta ni Dong Abay ang naging catharsis ko.

Hindi agad natanggal, pero nakatulong.

Ito yung kanta, baka magustuhan nyo rin. Click. Pag di gumana yan, try nyo dito.

Walang komento: