Bago ako nakarating sa US, hindi talaga ako naniniwala na totoong may Amerika. Oo, nagtatrabaho ako sa isang Amerikanong kompanya, nakakausap ko ang mga kano, pero di nawawala ang duda na baka isang malaking sabwatan ang nanlilinlang sa akin para maniwala na may ganitong bansa. Ano ang malay ko kung may isang Evil Mind na naglagay ng ganitong konsepto sa isip ko, o baka nagunaw na talaga ang mundo, at ang Pilipinas na lang ang natitira. Ang lahat ng bansa na nalaman sa paaralan, nababasa, nakikita sa web ay isang paraan lang ng pagkumbinsi sa akin na maganda pa ang daigdig, at itulak akong magsumikap para maging ganyan din ang bansang kinagisnan.
4 (na) komento:
ang ganda ng kuha mo, dude.
thanks pao :)
panalo ang kuha mo kabayan!
"ay isang paraan lang ng pagkumbinsi sa akin na maganda pa ang daigdig, at itulak akong magsumikap para maging ganyan din ang bansang kinagisnan."
-tama ka jan kabayan!
mabuhay ka!
salamat, samjuan!
Mag-post ng isang Komento