Sabado, Setyembre 27, 2008

Ang Kasaysayan ng Pilipinas ayon kay Ernesto Laput

Pinas - Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan

Hindi ko matandaan kung nakita ko na itong site nato dati. Luma na sya, halata sa layout na uso noong early 90s late 90s. Ang objective ng sumulat na si Ernesto Laput ay isalaysay ang kasaysayan ng Pilipinas sa Tagalog "upang huwag antukin ang mga bumabasa. Isa pang dahilan, upang maiba naman at marami nang Philippine history na nakasulat sa English. Panghuli, upang maunawaan ng mga walang pambili ng bagong aklat o hindi bihasa sa English o sa EspaƱol ang mga mali at kulang-kulang na itinuro sa paaralan. "

Ang ganda ng birada. Heto pa ang sampol:

MAHIGIT 7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahati ay ni walang pangalan, marami ang lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat, 46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro cuadrado. Sa dadalawa, Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan ay kinakailangang magsimula sa umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan ng bayan.
Marami pang artikulo sa website ang puno ng siste. Magaan ang pagtalakay nya sa kadalasang kinatatamarang subject sa eskwela. Kung ako ay teacher ng history, gagawin kong required reading ito.

Kudos sayo Ernesto Laput.

1 komento:

samjuan ayon kay ...

Tama ka kabayan, light nag ang pagtalakay niya sa topic. Astig lang at talagang naggugol pa siya ng panahon para sa site! kudos sa kanya!