1. Racist.
Maraming napikon sa Harry and Paul ng BBC. Ang ingay sa blogosphere. Si Akbayan rep little miss Hontiveros, umangal din. Ang gobyerno natin, nagreklamo sa British Embassy.
Hindi ko rin nagustuhan yung ginawa sa show pero hindi rin ako napikon. Bakit? Kasi hindi dapat patulan yun. At tsaka mas malala pa doon ang ginagawa nating racism dito mismo sa Pilipinas, laban sa kapwa mismo nating Pilipino. Yun ang kadiri.
2. Soundtrip
Wala ako sa mood magmarunong kaya puputulin ko agad ang usapan tungkol dyan sa racism na yan.
Gusto kong ibahagi sa milyon-milyong tagasunod ng yosibreak ang Accuradio. Panis ang lahat ng ibang streaming sites na nakita ko. Ang ganda ng compilation nila sa mga channel, may modern rock, blues, hiphop. Madaling pumili ng channel sa homepage, click mo lang yung picture para sa channel. Maganda ang quality, hindi napuputol.
Halos 100% ng soundtrip sessions ko nitong mga nakaraang linggo e ginagawa ko sa accuradio. Cheketawt.
3. Google Mapmaker.
Pag wala akong magawa, gumagawa ako ng mapa sa google map maker. Kung tulad ko at paminsan-minsan wala ka ding magawa at gusto mong makatulong naman sa Pilipinas, bakit hindi mo gawan ng mapa ang baranggay mo? Cheketawt, nakakaaliw. Kabubukas lang ng app na'to para sa Pilipinas, may mga parte pa na wala pang mapa kaya marami pang pwedeng gawin. Sa mga huling araw na ginagawa ko'to ang bilis ng development. Mukhang marami nang tumutulong. Yan ang web 2.0 por you, pinoy.
Sana lang wag matulad sa wikimapia. Binaboy ng mga ogag yun e. Makakakita ka ng "dito ko nadonselya si Neneng" sa isang apartment, makikita mo rin doon ang network wars ng ABS-CBN at GMA7. Yung mga pro-ABS, magkocomment sa building ng GMA ng "dito nagtatrabaho ang mga walang kwenta" ganon din gagawin ng kabila.
Pero sa google map maker, dahil moderated, sana naman hindi. Pero pwede rin kung ogag din ang magmomoderate. Parang sa totoong Pilipinas yan e. Pag may gulo, kailangan mo ng moderation ng pulis. Pero minsan, ang pulis ang nanggugulo. Hindi rin malayo mangyari sa web. That's Pinoy 2.0 por you, boy.
**edit: binura na pala yung network wars. buti naman. pero meron pa ring spam tulad nito.
3 komento:
wohoo! sa wakas nagbukas din ang yosibreak. tagal din naghiatus nito kala ko di na magbubukas. eto kasi ung binabasa ko nung supot pa ako. ngayon meron na din akong sariling blog. langya napapa-senti ako ng walang dahilan.
oi badoodles, ikaw naman, ibinuko mo na tanders na ako.
hehe. salamat sa pagbisita ulit. ikakabit ko dito yung blog mo.
thanks for putting a link to my site.
Mag-post ng isang Komento