Never again, will I buy products without thinking of the consequences of my act of buying.... "To buy is to vote." From now on, every time I buy a product, whatever it may be, I will ask myself the question ,"what kind of enterprise am I supporting ?"
Sinabi yan ni Ludovic Hubler, isang French na umikot sa buong mundo sa pamamagitan ng hitchhiking.
Napaisip ako dito.
Kailangan ng Pilipino ng Praktis sa Matalinong Pagboto.
Sa kasaysayan ng demokrasya ng Pilipinas, parang wala pa tayong naihahalal na tama. Laging mali ang pinipili natin sa pwesto. Isantabi na muna natin si Gloria, ibang usapan pa yan kung ibinoto ba talaga sya o ibinato nya sarili nya dyan sa Malakanyang. Dito tayo kay Erap. Yan ang malinaw na malinaw. Pagkakamali ng bayan numero uno, ibinoto natin nang hindi natin alam ang ginagawa natin.
Kung olats tayo sa isang bagay, ang tanging solusyon para maging magaling tayo dito e ang magpraktis nang maigi. Kung bano ka sa basketball, maglaro ka nang maglaro at kahit papaano gagaling ka rin magdribol man lang. Ganon din siguro sa pagboto. Kailangan natin ng praktis. Ngayon, ang problema, naglalaro lang tayo pag olympics na, nasa isip natin ang pagboto sa panahon lang ng eleksyon. Kaya hindi pa natin naiuuwi ang medalya ng politika sa pilipinas.
Tulad ng olympian, dapat araw-araw din nating nasa isip ang pagboto. At itong ideya na sa bawat pagbili natin ng isang bagay e bumoboto tayo, ito ang maghahasa sa atin para maging mas matalino sa pagpili natin ng pinuno. May panahon pa tayong lumampas sa antas ng bano bago mag 2010.
====
Sampol
Naaalala ko yung isang tula ni Dong Abay na pasok dito e. Teka hanapin ko muna kung nasa internet.
Nasa internet nga. At huling huli na pala ako, kasi kanta na sya! Napakinggan ko lang kasi sya sa 70s dati, at tinula nya lang ito. At yung nabili ko e yung compilation nya na Sampol na sya lang ang nagburn. Anyway, mas gusto ko yung patula. Heto yun mga linya:
Bombardment
Dong Abay
Shoe Mart o Robinsons’
Bench o Jockey
Marlboro o Winston
Addidas o Nike
SMART o Globe
Coke o Pepsi
Tide o Surf
SMB o Asia Brewery
Shakey’s o Pizza Hut
McDonald’s o Jollibee
Dunkin o Mister Donut
Kenny o KFC
Nissin o Lucky Me
Mentos o Max Candy
555 o Century Tuna
Jack ‘N Jill o Oishi
Red Bull o Lipovitan
Nido o Alaska
Datu Puti o Silver Swan
Purefoods o Magnolia
Nestle o Selecta
Del Monte o UFC
Swift o Argentina
Bok Bok Bok Knorr o Maggi
Joy Ultra o Action
Comfort o Downy
Clusivol o Enervon
Kleenex o Softee
Safeguard o Zest
Green Cross o Family
Whisper o Modess
National o Eveready
Raid o Baygon
Absolute o Wilkins
Colgate o Close-up
Palmolive o Pantene
Pampers o EQ
Eyemo o Visine
8 ‘o clock o Tang
Milo o Ovaltine
Star o Inquirer
Kodak o Fuji
Metrobank o BPI
Samsung o Sony
Yamaha o Kawasaki
Caltex o Shell
Toyota o Mitzubishi
PLDT o Bayantel
ABS-CBN o GMA 7
ABS-CBN o GMA 7
Charo o Mel Tiangco
Bayani o Michael V
Eat Bulaga o Wowowee
Mix o MTV
Martin o Gary V
Christina o Britney
Ate Guy o Ate Vi
Viva o Mother Lily
Gloria o FPJ
Marcos o Cory
Bush o Bin Laden
NPA o AFP
Iglesia o Katoliko
La Salle o Ateneo
Tagalog o Cebuano
English o Filipino
ABS-CBN o GMA 7
ABS-CBN o GMA 7
Original o Pirated
(mula dito)
Tapos ito pa yung video:
===
Sinigang Mix Up
Minsan hindi natin namamalayan ang epekto ng pagbili natin ng mga produkto. E kasi nga hindi naman natin iniisip na bumoboto tayo para sa produktong binibili natin. Ito ang isang halimbawa na sana maraming maka-relate. Kasi kami, paborito namin ang sinigang. Kada linggo, yan lagi ang niluluto ng nanay ko. Mula nang namulat ako sa masarap na ulam, kasama sa listahan ang sinigang. Hanggang ngayong may asawa na ako paborito ko pa rin sya.
Nitong nakaraang Linggo, nagluto si misis ng sinigang sa bayabas. Ang sarap! Lalo na ang sabaw! Lassssshhhaaap! O di ba ikaw na mahilig sa sinigang e naglaway na rin. Sabi ni nanay buti may bayabas sa tindahan ngayon, e kada bili nya instant sinigang mix lang ang meron. Sa kakagamit namin ng sinigang mix, natikman namin ang malaking kaibahan ng tunay na pang-asim sa sinigang. Napunta ang usapan sa mesa sa bakit ba wala nang mabiling kamias? Bakit minsan na lang may bayabas? Bakit minsan na lang din ang sampalok?
E kasi nga natalo na ng sinigang mix. Lahat tayong bumili ng sinigang mix, tinanggihan natin ang mga nagtitinda ng tunay na sampalok, bayabas, at kamias. Bumoto tayo para sa Maggi at Knorr. Sila ang nanalo sa eleksyong ng pang-asim sa sinigang.
==
Kaya ako, kailangan kong tignang ulit ang mga binibili ko. Dahil aaminin ko, bobo ako sa pagboto, bumoto ako kay Erap.
1 komento:
ang kulit na video he he. but i guess I'm no longer as confused. me mga definite choices na ko sa ibang items. at tama ka, mas masarap ang sinigang sa tunay na bayabas. niloloko lang ng mga kemikal ang panlasa natin sa mga mix-mix na yan. :-)
Mag-post ng isang Komento