Pero nitong nakaraang linggo, sinubukan naman namin ang QC Memorial Circle para maiba naman. Malayo pa lang narinig na namin ang malakas na tugtog at nang malapit na kami sa gitna, bumulaga sa amin ang isang pulutong ng mga misis, mga lola, at ilang mga mister na parang mga alagad ni Fuma Lei-ar, nakataas ang mga kamay, kumekembot-kembot, sinasabayan ang leader na nasa stage.
Iba pala ang eksena dito. Sa UP karamihan sa makikita mo mga naka-pormang pangtakbo talaga, mga naka-iPod, mountain bikers. Mas homogenous doon. Dito naman sa Circle, parang karnabal ang rambol ng mga iba't ibang tao.
at hayop.
May isang manong ang nakaka-aliw panoorin. May katandaan na sya pero kaya pa rin nya ang tatlong babae nang sabay-sabay.
sa larong badminton.
Nang mapagod nang tumakbo-takbo si Hannah, pumunta kami doon sa parte ng may maraming itinitindang halaman. Hinanap namin kung may citronella, pangontra kasi yun sa lamok. Ganito pala ang hitsura nun. Parang damo lang.
Ang totoo nyan, palusot lang talaga yung "pagpapapawis" na yan. Ang ulterior motive talaga ng paglabas namin na'to e para kumain. Kalalakad namin, napadpad kami doon sa hilera ng mga makakainan at yun na nga. Lafangz.
Bibingka at puto-bungbong. Ang sarap nito. Akala namin kakayanin pa namin kumain sa katabing gotohan pero ang bigat sa tyan ng bibingka-puto-bungbong combo.
Nagyosi ako doon sa loob ng park pagkatapos kumain pero bawal pala yun. Pasaway daw ako sabi ni Hannah. Sabi ko hindi kasi wala namang nagsaway sa akin.
Naglakad-lakad pa kami para magpababa ng kinain bago umuwi.
Kung sa mall siguro kami pumunta, naaburido lang kami sa siksikan, at naubos ang pera sa overpriced na pagkain.
4 (na) komento:
yung panghuling picture nakakain din ba? haha. joke!
nice posts here.. i'll add u in my links if it's ok with u..;)
namiss ko ang QC..
Dylan, salamat sa pagbisita. Ikakabit din kita dito sa ayaw mo at sa gusto.
how much is the puto bumbong...
how much is the puto bumbong
Mag-post ng isang Komento