Miyerkules, Oktubre 20, 2004

nostalgia

itinuro sa akin ni kuya ang isang site na nag-aarchive ng mga lumang website, ang archive.org. sinubukan kong hanapin ang dati kong eksperimento, ang lumang YosiBreak at nandoon siya. nakakaaliw. dahil nasira ang hard drive ng server ko kung saan naka-save ang lahat ng files para sa blog, wiki, at iba pang mga laruan ko noon, hindi ko na natatandaan ang hitsura ng luma kong site. buti na lang at nakalap nila. tingnan dito.

aksidenteng kinahiligan ko ang blogging. ang motibo ko noon ay magkaroon lang ng web server. technical, kung baga, ang layunin ko. ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng blog. naghahanap ako ng pwedeng mailagay nang makita ko ang blosxom, isang blogging application at sinubukan ko. at yun, doon na nagsimula.

ang saya. parang nakita ko ang isang long lost love. *hikbi*

lalo tuloy akong na-frustrate at ayaw tumakbo ng server ko.

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

astig, nabasa ko sa news yan pero di ko napaginteresan. hehe. sarap talagang balikan ang nakaraan. Andyan pa ba yung entry na si yna ang may sulat, yung tungkol kay kris? hehe

a8
http://www.albrine.wyldnation.com/mysite/